Punto De Vista

Ngayong panahon ng kapaskuhan may maaasahan nga ba tayong pag-asa?

Ang sabi ng mga mahirap at bunerableng sektor ” Paano nga ba kami aahon sa kahirapan at pagsasamantala kung ang mga may kapangyarihan at yaman ay walang inaasam kundi ang manatili sa kapangyarihan at magkamal pa ng yaman. Habang ang mga maliit at mahihirap ay patuloy na lumolobo at higit na nagagamit ng nasa poder sa pagpapanatili ng ganitong kaayusan.

Nasaan ang pag-asa? Nasa kapaskuhan ba at sa bagong taong darating?

 

Marahil para sa marami, tanging ang pag-asa sa Kristong isisilang sa sabsaban ang tanging pag-asa upang sa bagong taon ay makapagpatuloy na mabuhay at manatiling umaasa ng bagong buhay.

Para sa akin, ika nga: habang mabuhay, may pag-asa. Pag-asang ang bukas ay giginhawa at darating ang panahon na tayo’y sasaya. Yan ang sabi sa awiting pamasko di ba?

Malaigayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa Lahat!

Leave a comment